uhmmm...
nung una kitang makilala
di man lang kita napuna,
di ka naman kasi ganoon kaganda,
di ba?
simpleng kabatak,
simpleng kabarkada lamang
ang tingin ko sa 'yo
di ko talaga alam
kung bakit ako nagkakaganito!
ako'y napaisip at biglang napatingin,
di ko malaman kung
anong dapat gawin!
dahan- dahan nag- iba
ang pagtingin ko sa 'yo,
gumanda ka bigla
at ang mga kilos mo'y
nakakapanibago!
napansin ko na lamang na
nalalaglag ang aking puso.
bad trip talaga!
na- i- in lab ako sa 'yo!
tuwing kita'y nakikita
ako ay napapangiti,
para bang gusto kong halikan
ang iyong mga pisngi!
minamahal kita!
ba't di ka maniwala?!
anong kailangan kong gawin
upang seryosohin mo
ang aking sinasabi
tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo?
maniwala ka sana,
minamahal kita!
nasira na yata ang ulo ko,
kaiisip ko sa 'yo
kahit saan tumingin ay
mukha mo ang nakikita ko!
pero bakit para kang naiilang,
ako ay iyong iniiwasan?
ako'y nahihirapan uy,
wala namang ganyanan!
pakiramdam ko ngayon ako
ay nagmumukhang gago!
ngayon ako'y nagsisisi
kung bakit ako nag "i love you"!!!
kasi di na tayo tulad ng dati
ngayon sa akin ay diring- dire!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home